longest reflection paper ever made!

pinakamahaba repleksyon papel (eber?) ginawa!

I just wanna share the longest reflection paper I’ve in my college life!

I know that this is not new in you. But for me, it’s a thing to be reflected much!

Although I wrote it in Tagalog, and I’m using English language as my mode here in WordPress, I am still very proud that I’ve used my native language/dialect that every Filipino should be proud of.

Now read the succeeding paragraphs about my reflection on Bayaning 3rd World movie.

Lubhang napakabago sa aking isipan ng palabas na ito sapagkat ngayon lamang ako nakapanood ng ganitong pag-usisa sa ating pambansang bayani. Napanood ko na dati ang Rizal ni Cesar Montano at ng iba pang nagsipagganap sa telebisyon ngunit ang lahat ng ito’y patungkol lamang sa kadakilaang ginawa ni Pepe upang itanghal siyang bayani. Ang alam ko noon, si Rizal ay isang bayaning lumaban para sa bayan gamit lamang ang kanyang matalinong isipan at malawak na pang-unawa sa mga bagay-bagay. Hindi siya gumamit ng anumang sandata sa pakikipaglaban bagkus ay ang panulat at ang papel ang nagsilbing kanyang armas. Sa pelikulang ito, mas lalo kong naunawaan ang mga bagay na hindi lang may kinalaman sa kanyang mga ginawa ngunit pati na din sa buong sambayanang Pilipino.

Sa unang bahagi ng pelikula, napanood ko ang isang palabas na nagpaala-ala sa akin ng mga sagisag ng ating bansa. Ang kalabaw, mangga, sampaguita at iba pa, at ang huling ipinalabas ay ang pambansang bayani, ang bida sa palabas na ito.

Sa simula ay tinalakay kung sino ba talaga si Rizal. Siya raw ay isang great Malayan, indio bravo, nasa piso, kahit sa posporo at iba pa. Na makikita natin siya kahit sa isang punerarya, sabi pa. Ginawa rin siyang isang santo ng Aglipayan Church, at ang kanyang buhay ay napag-agawan pa ng mga amerikano upang gawing isang palabas. Hindi lamang isang santo ngunit isang diyos na ang turing ng mga Rizalista. Ang masasabi ko lang, si Rizal, sa panahon natin ngayon, ay may iba-ibang katangian base sa taong kumikilala sa kanya. Dapat ay maikintal sa ating mga isipan na siya ay isang bayani, ating pambansang bayani at hindi lamang isang pangalang ikinakabit sa mga bagay.

May iba’t ibang bahagi ang pelikulang ito. Ang sunod na tinalakay ay kung pampelikula ba ang buhay ni Rizal. May dalawang filmmakers na napagpasyahang si Rizal ang maging topic ng kanilang sine, ngunit hindi nila alam kung anong tungkol kay Rizal ang gagawan nila ng palabas. Inihambing siya kay Bonifacio, Contamplacion, at maging sa domestic helper. Hanggang sa may nakaisip na gumawa ng palabas patungkol sa imbestigasyon sa pagkabayani ni Pepe. Maraming mga kontrobersiya sa buhay niya, ang pagtutol sa rebelasyon, ang relasyon kay Josephine Bracken at iba pa. Ngunit ang pinakapinagtuunan ng pansin sa pelikulang ito ay ang retraktrasyon niya. Sa aking panonood, natanawan ko ang mga ito, at nasabi kong may mga lihim pala si Rizal, mga paksang naging lingid sa kaalaman ng mas maraming Pilipino. Kung hindi ako pag-aaralan si Rizal ay hindi ko ito malalaman, Naisip ko din n parang dalawang palabas ang aking pinapanood – ang dalawang nagtatalong film makers at ang kapanahunan ni Rizal. Masasabi kong maganda ang presentasyon at sadyang kakaiba.

Si Donya Lolay ang isinunod sa paghihimay ng mga kontrobersiya. Ipinakitang nakikipag-usap ang isang film maker sa ina at kapatid ni Rizal. Sinabi dito ni Donya Lolay na ang paghahangad ng karunungan, sa kanilang panahon ay halos isang krimen. Gayon na lamang ang kanyang pagkasabi gayo’y alam niyang ganoon ang ginawa ng anak, ang mamulat sa katotohanan.

Ang kanyang kapatid ang sunod na ininterbyu ng isang film maker. Si Paciano na apat na taong hindi nakipag-usap sa kapatid. Sinabi ng gumanap na Paciano kung sino daw ba ang nakakaintindi ng ‘pag-ibig sa tinubuang lupa’. Desidido na daw ang kanyang kapatid na magpakamartir. Ipinakita rin dito na sumulat si Rizal kay M.H. del Pilar.

Patuloy ang takbo ng pelikula, kinakapanayam ng mga film makers ang mga kamag-anakan ni Rizal. Habang nagtatalakayan ang dalawa sa paggawa ng pelikula, sinasagot naman ng mga kamag-anak ni Rizal ang mga tanong.

Hindi ko din malaman kung si Josephine Bracken ay may mahalagang papel sa buhay ni Rizal. Kung totoo man ang tindi ng pagmamahal para sa kanya ni Rizal, wala akong tutol doon. Ang naging malaking palaisipan sa akin, habang pinapanood ko ito, ay ang kasalang naganap. Naganap ba talaga sa realidad o sadyang sa isipan lamang? Nalaman kong may pagkasinungaling pala itong babaeng ito, sa paglalahad ng kanyang katauhan. May nakapagsabi sa pelikula na isang dancer sa club sa Hong Kong ang iniibig ni Rizal. Siya din daw any isang espiya ng mga paring Katoliko. Napanood ko din ang pagsasabi ni Bracken ang naging pag-uusap ni Rizal kay Padre Orbac, patungkol sa pagbalik sa simbahan kapalit ang pagkakasal sa kanila ni Bracken. Naging palaisipan din sa akin kung bakit parang nagulat ang isang film maker nang malaman niyang kasama sa pag-uusap si Padre Balaguer. Matindi pa sa isang teleserye ang buhay ni Rizal, ayon sa aking palagay, kahit hondi ko pa natatapos ang palabas ay parang gulong-gulo na ang utak ko sa mga naunang nangyari. Marami akong nalaman ngunit ang nga ito’y may kabuntot na palaisipan.

Ang masasabi kong tampok na bahagi ng pelikulang ito ay ang dokumento ng retraktasyon. Sapagkat dito ko maibabatay kung si Rizal ay dapt ko pa ring ituring na isang pambansang bayani. Natunghayan ko na ang teksto ng sulat ay totoo, ngunit ang problema ay ang pirma. Maraming duda sa pirma ni Rizal. Marahil ay pineke raw ito matapos tanggihan niRizal ang retraktasyon sa Fort Santiago. Parang medyo naibahan ako sa kilos ni Rizal. Alam kong labis ang pag-ibig niya kay Bracken, ngunit, hindi dapat niya isinulat ang retraksyon. Nagtataka ako kung bakit hindi man lamang niya naisip na maaaring may gumaya ng kanyang pirma. Kahit ano pa ang sabihin natin, naging inspirasyon din siya ng ibang nag-aalsa laban sa mga Kastila. Kung siya talaga’y nagretract, malaking isyu ito sa lahat. Isang bayaning binawi ang lahat ng kanyang mga pahayag laban sa kung ano ang tama at mali. Pero, kalianman ay hinding hindi ko siya masisisi.

Hindi sumang-ayon si Rizal sa nais ng mga grupo ni Don Pio Velenzuela sapagkat napanood kong sinabi ng gumanap na Rizal na walang mangyayari kung sa marahas idadaan ng laban.

Binalikan ng palabas ang kapatid ni Pepe n si Trining. Ipinakita sa palabas na ilang ulit na palang kinapanayam ang kapatid na ito, at sa paglipas ng panahon, ay hindi pare-pareho ang kanyang mga sagot. Isang pari daw ang nakakita ng mga retraksyon ng mga Mason sa Masonriya. Sinabi pa na noong 1949, sa isa pang panayam sa matanda na iniwan ni Rizal ang kusinilya de alcohol sa kanya. Binaliwala siya ng bayan. Hindi pa namamatay ang kapatid ni Pepe ngunit walang galang na kinuha pa din ng mga collector ang mga gamit sa tinitirhan ni Trining. Napaghalatang ang ilan sa mga Pilipino walang pakialam sa iba, at may pansariling interes lamang. Hindi man lamang iginalang ang kapatid ni Rizal, kahit sabihin nating kapatid lamang siya ng bayani. Naawa ako kay Trining.

Ang execution ni Rizal, noong 7:03 ng umaga ng Disyembre 30, 1896. Marami pa ring mga isyu bago ito at nang ito ay maganap. Isang paring si Padre Balaguer ang nagdidiing nagbalik-loob sa Katoliko ang pambansang bayani. Napanood ko ang pagkakadetalye niya ng mga pangyayari noong araw bago ang execution. Sinabi niya na nagkita ang mag-inang Lolay at Pepe, na humihingi ng tawad ang anak sa mga maling nagawa nito habang nkahawak kamay. Na nagkaroon ng tatlong beses na pagkukumpisal si Rizal kay Padre Villaclara, na nagkomunyon daw ang bayani at walang tigil sa pagrorosaryo. At nang ikinasal niya si Rizal kay Josephine Bracken. Medyo may duda ako sa mga pahayag ni Padre Balaguer sapagkat parang lubhang detalyado ang mga naganap. Ngunit ayaw ko ding humusga dito kung ito’y totoo o hindi.

Nagkaroon ng komprontasyon ang iniibig ni Rizal at ang kapatid na si Trining. Nabuksan din ang isang tula sa loob ng kusinilya. Hindi mapatunayan ni Bracken n ikinasal nga sila ni Rizal. Nang malaman ko ito, hindi naman ako agad humusga na nagsisinunagling si Bracken dahil ganito rin ang sinabi ni Padre Balaguer, ngunit, iniisip ko din, na maaari di naming may sabwatan ang dalawa. “Tricky” kung iisipin, pero, masarap ding hanapin ang sagot.

Sa pagwawakas ng pelikula ay tinalakay din ang iba pang mga paniniwala. Iba’t iang bersyon ng mga Heswita, ni Bracken, ni Trinng sa mga nangyari noon. Hindi nagkaroon ng tiyak na kalutasan ang mga kontrobersiya. Maging ang pagpihit ni Rizal at ang pag-aligid sa kanya ng isang aso matapos mabaril ay lumikha rin ng mga isyu.

Matapos ang paggawa ng repleksyon sa maliliit n detalye ng palabas, bilang isang paglalahat, masasabi kong lubhang napaka-epektibo ng palabas na ito sa mga manonood na may interes na halukayin ang nabaong buhay ni Rizal. Noong una, ako’y natutuwa sa palabas, nung nasa kalagitnaan, medyo nagiging ‘boring’ ang nagaganap, ngunit pagdating sa mga tampok na isyu, nakakapanibago. Para akong isang detective na inaalam ang bawat sulok ni Rizal. Sumasang-ayon akong hindi pampelikula ang buhay ni Rizal ngunit masasbi kong angkop pa rin ito sa panahon ngayon, sa paraang naghahanap pa rin tayo ng katotohanan at pawang katotohanan lamang. Ang bahagi ng ating nakaraan ay lalo nating makikilala sa pagkanood ng palabas na ito. Inirerekomenda ko ito sa mga taong makapagbibigay ng panahon na lutasin ang mga isyung nakapaloob dito.

Marami akong natutunan. Nalaman kong walang bayaning hindi gumawa ng kamalian, at walang bayaning laging nagpapakabayani. Si Rizal ay isang simpleng tao kung tutuusin. Ngunit dahil sa paghirang sa kanya bilang isang bayani, ay lumalim ang ating pagsusuri hanggang sa sumobra na ang ating pakahulugan sa mga ito. Dapat pala nating pag-aralan ang buhay ni Rizal hindi upang paulit-ulit na malaman ang mga nagawa niyang tama o madiskubre ang mga mali, kundi upang makapagsimula tayo ng panibagong bukas sa paghkamit ng ating minimithi. Ang bayaning 3rd world gaya ni Rizal ay kapupulutan ng aral magpakailanman.

Please do not print or reproduce in any form without the permission of the author.

This is the unedited, full of typographical errors copy. This has been included as one of our graded recitation in class! I read it in front of our class this afternoon.

No copying of ideas, just reflect from my reflection.

31 responses to this post.

  1. Posted by kaye on July 11, 2008 at 10:47 pm

    hehe…

    iLagay dw b ung sa rizal..?

    Reply

  2. Posted by kaye on July 11, 2008 at 10:49 pm

    uhmmm..

    La n bng mas hahaba p..?

    ung tubig tLagah…

    d q mkaLimutan…

    Y di m0h agad cnv…?

    Reply

  3. Ang buhay ni Rizal ay kasing gulo ng mundo, pero ang marubdub niyang hangarin para sa kalayaan at pagbabago ay kasing init ng araw at natutunaw na bakal azero.

    Reply

  4. Posted by christine on August 22, 2008 at 7:44 pm

    naks u do blogs pla… im a trying hard blogger but i’d never checked my blog since…since i dunno…hehehe…but i admire my friends hu do great blogs… and kw din…continue the passion and the drive ^_^

    Reply

  5. Posted by riza on June 13, 2009 at 5:50 pm

    ano ba yan!!!!!!!!!iba ang tnong ndi yan!!!!!!

    di q yan kailangan…….

    Reply

  6. Posted by mariel on June 13, 2009 at 5:52 pm

    ………………………………………………….
    ……………………………………………
    ………………………………….
    …………………….
    …………….
    …….

    .konting tulong lang!!!!!!!

    Reply

  7. Posted by prince on August 10, 2009 at 7:55 pm

    kahanga hanga

    Reply

  8. Posted by genius on August 15, 2009 at 6:35 pm

    yay. kala mo may kokpya nyan. FEELING mo naman. D din yan ung tanong EH!!!!!!!!

    Reply

    • Posted by Wilder on September 28, 2009 at 11:30 am

      ok….irespeto ang iyong opinyon………salamat sa pagbisita sa aking blog……..

      Reply

      • Posted by Jbrose on October 11, 2014 at 10:31 pm

        Ako nahihirapan sa pag sagot sa reaction paper hindi ko alam kun paano kaya nong tiningnan ko ang blog mo may naisip ako kaaga na mga ideas. Maraming salamat talaga.

      • Kahit hindi ko din masyadong na intindihan ang movie ni José rizal ay may natutunan pa rin ako.😂😂😂

  9. Posted by desiree on August 29, 2009 at 4:36 pm

    pwd bang malaman kung sin0 ang dalawang gumanap na film makers sa m0vie na tinalakay ny0?

    Reply

    • Posted by Wilder on September 28, 2009 at 11:29 am

      sa pagkakatanda ko eh si ricky davao ung isang film maker…..c cris villanueva yta ung isa……tgal q n kc napanod eh…sana lang tma ung pgkakatanda ko……thnx sa pagview ng post ko ha…..thnk u very much…..

      Reply

  10. Posted by angel on October 14, 2009 at 10:24 pm

    ..nice aman..
    ..nka relate ako uhh..
    ..nice job..!!
    ..u do a really gud job..
    ..ganda n6 blog mu uhh..!!

    Reply

    • Posted by Wilder on January 9, 2010 at 9:33 am

      hehehehehehe…..thnk u very much for the appreciation to my blog……u’r one of the reasons kung bkt ako gumawa ng blog eh……becoz of the readers……thnx ah… thnx….tlg……sana ay mrami kpang mpulot n aral at ikaw din mismo ay mkagawa ng sarili mung blog……….good luck

      Reply

  11. Posted by carisa on December 17, 2009 at 7:52 pm

    interesting. anu pong pamagat nito? gusto ko rin po sanang mapanood. Maraming salamat.

    Reply

  12. well kaibigan..napakalaking tulong nitong blog mo na’to sa aking assignment din tungkol sa gagawin kong reflection sa buhay ni rizal na napanuod din nmin..ahem..aun nga lamang at english samin::ahahaa..salamat kase hinahanap ko kung panu gumawa ng reflection na hindi reaction:)

    Reply

    • Posted by Wilder on January 9, 2010 at 9:28 am

      u’r always welcum…….hehehehehehehe……mdaming salamat sa pagdalaw sa blog ko….bsta walang kopyahan ha….hehehehe….pattern pattern lang……no to plagiarism……….sana mkagawa k din ng mas magandang reflection nia kaysa sa nagawa ko…..blitaan mu ako sa nagawa mo ha….muli,,,,,maraming salamat

      Reply

  13. Posted by dorobo on January 7, 2010 at 6:07 pm

    uy friend gamitin ko lng ha? psa ko lng kontrobersiya daw 2ngkol kay rizal.. tnx ha!

    Reply

    • Posted by Wilder on January 9, 2010 at 9:30 am

      bsta sarili mung words ggmitin mu ha….friend……ok lng un……pero kung ito mismo ung ipapasa mu….bka mkasuhan ka ng plagiarism……just interpret it on your own words nlang…..wlang problema saken un……slamat sa pagdalaw sa blog ko….

      Reply

  14. Posted by chariz a. sayago on August 21, 2010 at 4:35 pm

    ……..hehehe.. tnx for the info.! keep it up dude!

    Reply

  15. Posted by Ronelle on August 30, 2011 at 3:52 pm

    …Nice work..
    ask lng aq favor kung pde q irevise through english… for my reflection paper in history…

    thx.. ^^

    Reply

  16. Posted by Joshiee pechiee on September 1, 2011 at 6:26 pm

    Can i just get the 1st paragraph?🙂 thanks.

    Reply

  17. Posted by yorokobi zevahce on October 12, 2011 at 10:07 am

    congratz!!

    Reply

  18. Posted by michelle on March 7, 2012 at 8:35 pm

    nice !! gaLing mAggawa ..

    Reply

  19. this blog is helpful! thanks!😉

    Reply

  20. Hello po,alm niyo po ngostuhan ko po,yung reflection ninyo marami kayung natutulungan na mga kabataan kung paano mamulat sa katotohan,pero yung Aglipayan Church na sinabi mo sa reflection mo ,hindi po yan totoo na sinsamba namin si rizal..

    Reply

  21. Posted by venus on June 22, 2014 at 10:25 pm

    thank you for this.. heheh nakatulong sa ass. ko ito.. thankyou po:)

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: