A change in aking blog…

Hindi ko alam kung anong nakapagpabago sa aking isip ngunit matapos kong mabasa ang isang blog mula sa friendster ay bigla na lamang akong nakapagpasya na gumawa ng isang post.

Kakaiba ang aking post kung inyong mapapansin. Hindi dahil sa maraming bagong design o kung anuman, ngunit dahil sa ang ginagamit kong wika ay Filipino. Mayroong isang kapwa Pilipino na nasa ibang bansa, partikular na sa Esatdos Unidos, ang gumagamit din ng isang blog. Ang wika ko ngayon ay ang wika niya doon sa kanyang blog. Maaaring ito ang naging pangunahing dahilan upang mapagtanto ko na ang dapat kong gamitin ang sariling atin. Ako na isang taga-Pilipinas ay dapat ngang gumamit ng wikang Filipino. Hindi ko naman sinasabi na hindi na dapat gumamit ng English, pero, ito’y nasa sa akin kung sa aling wika ako mas kumportable.

Noong una, ang layunin ko’y mabasa ito ng maraming tao sa buong mundo, kaya ginamit ko ang ating international language. Sinabi ko sa aking sarili na dapat lamang na gamitin ko ito upang maintindihan ako ng ibang taong may ibang kinamulatang lahi.

(Kung Filipino)Masakit sa kamay. Mahirap habulin ang takbo ng isipan ko. Kaya ilan pa rin ito sa mga dahilan ng paggamit ko ng English. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko, e talaga namang Pinoy ako. Hindi ko ipagsisiksikan ang aking sarili sa isang bagay na hindi naman talaga para sa akin.

Mahal ko ang wikang Filipino. Corny pero ito ang nasasabi ko sa mga oras na ito.

Gagamit pa din naman ako ng English sapagkat mahalaga ito.

Ngunit hindi ko dapat malimutan ang Filipino sapagkat mas mahalaga ito.

Kung sa totoo pa nga lang e, isa rin akong Ilokano. Kaya dapat matutunan ko din ito sa hinaharap.

Nanonood ako ngayong gabing ito ng TV Patrol. Salamat sa inyo, aking mga mambabasa.

“Still, I am a Filipino, inheritor of the glorious past…  -Manuel L. Quezon”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: