Melamang Melamine…

Ayon sa panonood ko ng Umagang Kay Ganda, nalaman ko na ang melamine ay isang kemikal na hindi dapat nilalagay sa gatas. Ito ay ginagamit lamang sa paggawa ng tiles, baso, plato atbp.

Alam n’yo ba kung bakit ito ang nilalagay ng mga kompanya sa China? Ito ay sa kadahilanang ang melamine ay nakapagpapataas ng level ng protein sa mga laboratory tests. Hindi ito protein, ngunit nagkakaroon ng false increase sa protein levels kung may melamine ang isang produkto, halimbawa ang gatas.

Madadaya talaga ang ilan sa mga Chinese na ito! Mabuti na lamang at kaya ng katawan natin ang labanan ang melamine accumulation sa katawan. Sinabi ng isang Toxicologist na malakas ang immune system ng tao kaya nawawala naman ito sa katawan.

Pero bakit natamaan ang mga bata sa Tsina?  Sumakit ang tiyan o kung ano pa man? Ito naman ay dahil ang mga sanggol ay umiinom ng gatas ng 2 – 3 oras araw-araw! So nanghihina ang kanilang katawan at hindi makayanan ang pagtaggal sa melamine sapagkat tuloy- tuloy ang accumulation nito sa katawan.

Alam man natin na ang melamine ay naiaalis ng katawan sa pamamagitan ng liver bilang isang detoxifier, mas maganda pa rin na umiwas na tayo sa mga ito.

Ang kontaminasyon ay sapat ng kaalaman na may mga taong gagawin ang lahat para lamang sa pagpapalaki ng kanilang negosyo!

Masarap uminom ng gatas sa umaga, kape sa umaga, at maging sa gabi! Ngunit hindi talaga masarap kung malaman natin na hindi tayo ligtas sa mga kemikal na ito. Pati mga chocolates meron na din!

Kung ano mang kinakain mo ngayon, siguruhin mong may sustansya sa katawan at walang lason na maibibigay sa’yo!

Isang payo sa lahat ng mga taong may pagpapahalaga sa sarili!

Prevention is better than cure!

One response to this post.

  1. buti nalang red horse ang iniinum ko…hek hek hek.

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: