Influenza A (H1N1)

Ang virus na ito ay napakapgpayanig sa mundo, mula sa mga experto sa larangan ng medisina hanggang sa bawat pamilya ng mga tahanan. Una itong tinawag na swine flu, ngunit ayon sa ilang mga siyentipiko, hindi pa siguradong sa baboy naggaling ang nasabing virus. Kaya naman, mas karapat-dapat itong tawaging “mexican flu” sapagkat ang unang kaso nito ay naitala sa nabanggit na lugar.

Bilang isang mag-aaral sa kolehiyo, na may kauganayan sa kalusugang pampubliko o tinatawag na public health, mainam na gamitin ang INFLUENZA A (H1N1) bilang katawagan dito. Natawa naman ako nung marinig ko sa isang palabas sa telebisyon na ang H1N1 daw ay hydrogen at nitrogen! Alam kong malayong ito ang tamang sagot. Upang bigyang paglilinaw, ang H ay tumutukoy sa haemagglutinin spike nito at ang N naman bilang neuraminidase spike ng virus. Para sa mga kumukuha ng medical course, malamang maiintindihan niyo ang ibig kong sabihin.

Bagamat marami ang sumasailalim sa mga pagsusuri ng DOH at ng medical staff ng mga paliparan, pasalamat tayo at wala pang naitatalang kaso nito sa ating bansa sa ngayon.

Paunawa sa lahat, ang virus na ito ay hindi nakukuha sa nilutong karne. Sa pamamagitan kasi ng pagluluto ng maayos ay namamatay naman ang virus. Ngunit kung ang isang tao ay napatunayang may virus, maaari siyang makahawa sa ibang tao.

Bilang isang pagtatapos sa lathalang ito, maaari lamang po na ipagbigay-alam sa kinauukulan ang mga taong nakararanas ng sintomas ng pagkakaroon ng Influenza A (H1N1) virus.

Pakaatandaan, Health is WEALTH!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: