Neneng NANAY…

Sa panahon natin ngayon, ang pagiging ina ay wala na yatang hinihinging edad. Dito sa lugar namin, hindi nakaiwas sa aking mga mata ang mga kabataang babae na nagdadalang tao o kaya ay may kasamang mga sanggol habang sila’y namamasyal o di kaya’y namimili sa palengke, ang mga batang iyon ay sigurado kong mga anak nila. Ang ilan sa kanila ay mga suki namin sa palengke, ang mga neneng musmos pa lamang at may bubot pang isipan patungkol sa mundong kanilang ginagalawan. Ang ilan ay dati kong mga kaklase noong elementary. Ano kaya ang dahilan ng mga pangyayaring ito? Dapat ba nating sabihing tama o mali ang pagiging ina nila? Paano ba natin dapat tingnan ang kalagayang ito ng ating mga kababaihan?

Bakit nga ba ganito na ngayon? Mahirap magsabi ng konkretong sagot sa tanong na ito sapagkat madaming bagay ang dapat isaalang-alang. Maaaring ang mga kabataang ito ay walang sapat na kaalaman sa pag-aasawa at pag-aanak. Hindi ko naman sinasabing kulang sila sa kaalaman ngunit maaaring iba ang kanilang pananaw sa mga bagay na ito. Siguro napilitan silang mag-asawa at magkaanak ng maaga. Siguro sa batang edad ay nabulag na sila sa pagmamahal. Siguro ay biktima sila ng mga pagkakamaling hindi dapat nila naranasan bilang isang bata. Siguro ay wala na silang magawa kundi ang tanggapin ang ganitong mga pangyayari. Maraming dahilan ang maaaring masabi ngunit ang bawat konkretong sagot na ating hinihingi ay mamumutawi lamang sa mga labi ng mismong NENENG NANAY na iyon.

Tama ba o mali? Para sa kanilang mga hilaw pa sa pagiging ina, ang lagi nilang iisipin ay tama ang nangyari sa kanila kung sadyang ginusto rin nila ito. Mali naman para sa mga kababaihang wala pa sa kanilang plano, kung sila ay ating tatanungin. At para naman sa ating mga taong nasa paligid nila, halu-halong sagot — TAMA at MALI. Ngunit sa tamang pag-iisip, siguro dapat ay hindi tayong mga nasa paligid nila ang dapat humusga sa ikatatama o ikamamali ng kanilang mga kinahinatnan. Ilagay na natin sa kawalan ang tanong na ito sapagkat wala tayo sa tamang posisyon para sagutin ang isang tanong na hindi naman tayo ang bida o biktima (kung paano mo man tawagin). Naririto tayo sa kanilang mga tabi upang damayan natin sila at tulungan sa pagpapaunlad ng kanilang mga papel bilang mga NENENG NANAY.

Paano natin ito titingnan? Dahil nga sa madaming dahilan at samu’t saring paliwanag ang hinihingi ng bawat tainga ukol dito, isa lang ang dapat nating gawin, iyon ay ang patuloy sa pagsuporta sa kanila. Hindi na natin sila dapat pang sisihin kung ito’y isang pagkakamali at lalong hindi naman din natin dapat ipahintulot sa ibang kababaihan ang maging ina ng maaga kung sa tingin ninyong tama lang ito. Hindi natin nararapart tingnan ang mga bagay na ito sa paraang pahusga ni sa paraan kung paano ito nangyari, bagkus, itutok natin ang ating mga sarili sa pagpapabuti ng kanilang mga kalagayan. Hindi mo na dapat tanungin o usisain ang isang NENENG NANAY na nanghihingi ng makakain ng kanyang anak kung bakit siya napunta sa ganong sitwasyon bago mo siya bigyan ng isang pirasong tinapay. Tanggalin na natin ang panghuhusga at kung anumang tanong ang lumabas sa ating mga isipan, maaari naman tayong tumahimk na lamang at irespeto sila bialng mga kapwa tao.

Matapos ang lahat, Mabuhay ka NENENG NANAY, dahil sa pagtataguyod mo sa iyong anak, dahil sa pagkakaroon mo ng malawak na isipan sa kabila ng kabubotan nito. Salamat dahil ginagawa mo ito para sa iyong anak. Salamat. Ito ang araw ninyo, araw na pinahahalagahan kayong lahat, kasama ng iba pang mga INA sa buong mundo. Maraming salamat at nandito kayo!

Maligayang araw mga NENENG NANAY!

Pagpalain tayo ng BUONG MAYKAPAL!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: